Friday, October 8, 2010

RM, do you still remember this?

Kung Alam Mo Lang...
ni Ryan Jude Bernales

During my High School

Bawat ikot ng mundo,
Parang ibong naglakbay patungong ibang daigdig,
Uood na tinuklaw ng ibong kapalaran,
Na nasa aking hawla.


Diyosang aagos sa talon patungong sapa,
Na naniniwala sa bawat agos ng tubig,
Parang diyosa ng mga kagubatan,
Ni hindi naligaw kahit sa'n mapunta.


Kung alam mo lang,
Ang agos ng tubig,
Kung saan ito nanggaling,
Kung ito'y malinis ba o hindi.


Kung alam mo lang,
Kahit anumang kapalarang naghihintay sa agos na may pakiramdam,
Kung nakita mo lang ang agos ng tubig,
Ang paghintay at ang paniwala sa agos.


Ang agos ng tubig,
Kahit anumang lasa at kulay nito,
Andyan pa rin ang ibong nakasubaybay sa daan para ika'y hindi maligaw,
Kung alam mo lang!